Ipinaabot ng Office of the Civil Defense (OCD) na hindi pa handa ang bansa para sa isang magnitude 7.7 na lindol tulad ng tumama sa gitna ng Myanmar at Thailand noong Biyernes, Marso 28.

Ayon kay Nepomuceno, mayroon silang dalawang antas ng paghahanda—ang “duck, cover, and hold” at ang pagsuri sa mga estruktura at bahay sa buong bansa.

“Ang lagi lang po nating nakikita yung pangalawang lebel yung tinatawag na ‘duck, cover, and hold’ yan po ay reaksyon lamang pag nagkaroon ng malakas na lindol. Ang unang lebel ay mas mahalaga po ang engineering solutions,” sabi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

“Hindi natin pwede pagandahin yung sagot; kailangan maghabol pa po tayo talaga kasi dalawa yung lebel ng paghahanda. Yung ating mga gusali, bahay, mga istraktura, mga tulay yan ba ay matatag para kayanin niya yung alog ng lupa kapag nagkaroon ng malakas na lindol,” dagdag niya.

Samantala, ayon naman sa isang special report ng risk assessment at consultancy firm na PSA Philippines Consultancy Inc., tinatayang aabot sa 52,000 ang maaaring mamatay at 500,000 ang masusugatan kung tatama ang isang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *