Ibinunyag ni House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V nitong Linggo, Marso 30, ang panibagong listahan ng mga pekeng pangalan na may kaugnayan sa nawawalang confidential funds ni Vice President Sara Duterte na kanyang binansagan bilang “Team Grocery.”

Kasama sa naturang listahan ang mga pangalan na Beverly Claire Pampano, Mico Harina, Sala Casim, Ralph Josh Bacon, at Patty Ting— mga pangalan na pareho sa mga pagkaing nabibili sa palengke o grocery.

“Mukhang listahan po ng mga bibilhin sa palengke o grocery ang mga bagong pangalang nakita natin,” ani Ortega.

Ito ay matapos ang naunang kontrobersiya na pumapaligid sa mga pangalang Amoy, Asim, Dodong, at mga indibidwal na pinangalanan mula sa chichirya, prutas, at gadgets na nakatanggap din umano ng confidential funds mula kay VP Sara.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *