Sinabi ng tagapagsalita ng International Criminal Court (ICC) na si Fadi EL Abdallah na walang magiging epekto ang mga pro-Duterte demonstration na isinasagawa sa The Hague at iba pang bahagi ng mundo sa paglilitis sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC.

“We do not consider that this should be something that would be kind of distracting our focus from what we have to do which is our core tasks and core responsibility,” ayon kay Abdallah.

Sa panayam ng GMA News noong Biyernes, Marso 28, tiniyak ni Abdallah na naka-focus ang atensiyon ng ICC hindi lamang sa paghahatid ng hustisya sa mga biktima ng extrajudicial killings noong “war on drugs” ngunit ipapakita rin sa international community na magiging patas ang paglilitis sa dating lider ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Abdallah matapos magsagawa ng mga “prayer rally” ang iba’t ibang pro-Duterte groups upang kumbinsihin ang ICC na ibalik ang kanilang idolo sa Pilipinas habang iginigiit na wala nang hurisdiksiyon ang international tribunal sa bansa.

“And we trust that in the social media there will always be some passionate and heated individuals. And we understand that there is also good people that will be actually trying to show the objective nature of things,” sabi pa ni Abdallah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *