Naniniwala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mas maganda umanong lisanin ni Senator Imee Marcos ang senatorial ticket ng “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” kung hindi tugma ang kanyang paninindigan sa mga isyung politikal ng administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Kung hindi talaga na-li-linya ang kanyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil kung hindi niya paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship,” ayon kay Castro.

Ito ang sinabi niya sa ginanap na press briefing ng Malacañang noong Huwebes, Marso 27, isang araw matapos ianunsyo ni Sen. Imee ang kanyang pagkalas sa alyansa ng nakababatang kapatid para sa darating na midterm elections sa Mayo 12, 2025.

Idiniin niyang bunga ito ng imbestigasyong isinagawa ni Marcos sa Senado kaugnay ng pag-aresto at pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands—isang hakbang na aniya’y salungat sa kanyang mga prinsipyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *