Tinanggalan ng airport pass si Sen. Bong Go kaya hindi niya nagawang makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 para salubungin sana ang pagdating ni dating pangulong Rodrigo Duterte mula sa Hong Kong ngayong Martes, Marso 11.
“Sunod tayo sa batas,” maiksing sagot ni Go kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng ICC laban sa malapit na kaalyadong si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama ni Go ang doktor ng 79-anyos na dating presidente.
Nang kuhanan ng pahayag tungkol sa pag-aresto kay Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC), sagot ni Go: “Sunod tayo sa batas.”
Nahaharap si Duterte sa kasong “crimes against humanity sa ICC kaugnay ng pagpapatupad ng “war on drugs” ng kanyang administrasyon, na kumitil sa buhay ng libu-libong Pilipino.