May kasamang ambulansiya, gayundin ang mga doktor ni former president Rodrigo Duterte, iginiit ni Sen. Bong Go na makalapit sila sa 79-anyos na dating pangulo—na ayon sa kanya ay maraming iniindang sakit—matapos itong arestuhin ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ngayong Martes, Marso 11.

“Marami po siyang sakit, mag-e-eighty years old na po siya! Alam n’yo… kawawa!” sabi ni Go kasunod ng pag-aresto ng mga awtoridad kay dating pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes, Marso 11.

Sinabi pa ni Go na may nakatakdang medical procedure si Duterte bukas, Miyerkules, Marso 12.

Si Duterte ay akusado ng crimes against humanity sa ICC kaugnay ng pagkamatay ng libu-libong Pilipino sa pagpapatupad ng war on drugs ng kanyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *