Sa halip na kanyang mga kaalyado, mga opisyal at operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang sumalubong sa pagdating ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Hong Kong, pasado 10:00 ng umaga ngayong Martes, Marso 11.

Bitbit ng mga tauhan ng PNP-CIDG, sa pangunguna ni Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) at ipinatupad ng International Police Criminal Organization (Interpol) Manila Office, ayon sa Malacañang.

Ineskortan palabas ng NAIA si Duterte at idiniretso sa Kalayaan Hall ng Villamor Airbase sa Pasay City para sumailalim sa documentation process bago inilipat sa kustodiya ng Interpol.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong “crimes against humanity” sa ICC kaugnay ng pagkamatay ng libu-libong Pilipino sa pagpapatupad ng “war on drugs” ng kanyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *