Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 na bumigay ang 3rd Span ng Cabagan side ng tulay sa kahabaan ng Cabagan-Sta. Maria Road, Isabela nang dumaan ang isang dump truck na puno ng malalaking bato na tinatayang may vehicle gross weight na 102 tonelada dakong alas-8 ng gabi nitong Huwebes, Pebrero 27.
Ito ang “key infrastructure project” ng Build Build Build program ng DPWH na dating pinamumunuan ni dating DPWH secretary at ngayo’y Senador na si Mark Villar sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, hanggang ngayon ay walang inilalabas na pahayag ang Senador tungkol dito.
Ulat ni Ansherina Baes