Inihayag ni former chief presidential legal counsel Atty. Salvador “Sal” Panelo nitong Biyernes, Pebrero 28, na mas mataas umano ang pagtanggap ng mga tao kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaysa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Kung ikukumpara mo sa panahon ni Presidente Duterte eh napakataas ng pagtanggap ng tao dahil nga kontrolado niya ang kriminalidad, ang illegal na droga, maraming bagay, aspeto ng lipunan ang ipinakita niya kung paano siya mamahala,” saad ni Panelo.

Ito ay matapos lumabas sa isang isinagawang survey na bumagsak ng 14.9 porsyento ang satisfaction ratings ng Pangulo mula 45 porsyento noong Setyembre 2024 hanggang 30.1 porsyento nitong Pebrero 2025.

Aniya, kaya mataas ang pagtanggap sa dating Pangulo ay dahil kontrolado niya umano ang mga kriminalidad, illegal na droga, at ibang bagay na nagpapakita kung paano siya namahala.

“Yun ang makikita mong diperensya. Kaya ang tao, hinahanap-hanap ang pamamahala ng isang Duterte,” saad ni Panelo.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *