Sa ginanap na press conference sa Malacañang ngayong Martes, Pebrero 25, iginiit ni Press Officer Atty. Claire Castro na walang intensiyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na burahin sa kasaysayan ng bansa ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr., sa poder 39 taon na ang nakararaan.

“As of now, iyon lang po (message ni PBBM sa EDSA People Power anniversary). Idine-clare lang po bilang ‘special working holiday’ and I think it means a lot to all the people,” sabi ni Castro.

“If there is the intention to erase the memories of EDSA People Power, iba ang klaseng pamamaraan ang gagawin,” pahayag ni Castro.

Ito ang unang pagkakataon sa 39-taong kasaysayan ng EDSA People Power Revolution na idineklara ng Malacañang ang February 25 bilang “special working day” at hindi “special non-working holiday” tulad ng nakagawian.

“As a matter of fact, we declared it as a ‘special working day.’ But it is just considered a ‘regular working day.’ But what is the purpose of the regular working day is for the people to enjoy it,” ani Castro.

Sa kabila nito, ilang mga paaralan at local government units (LGUs) ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase at trabaho upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante at empleyado na gunitain ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay Pangulong Marcos Sr. matapos ang mahigit dalawang dekadang pagiging diktador noong panahon ng martial law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *