Sa ginanap na press conference sa House of Representatives ngayong Lunes, Pebrero 24, sumang-ayon si La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa sinabi ng Malacañang na “one-man factory of fake news” umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang sabihin na: “President Ferdinand R. Marcos is becoming a dictator.”
“I’m leaning towards that statement na parang factory sila ng fake news… pag hinold mo naman sila accountable, kakambyo naman sila na joke-joke lang daw yun. Parang nagmumukha silang joke eh,” saad ni Ortega.
Aniya, kapag naman kinumpronta ang kampo nina Duterte dahil sa kanilang mga sinasabi tungkol sa administrasyon at sa gobyerno ay sasabihin nila na “joke” lamang ito.
“Ano bang tawag mo dun sa ano… Father Faker? father ng mga fake news? Mother Faker? ‘Di ko alam kung pano tatawag natin sa kanila. Ano tawag sa mga anak nila? Fakerist?… parang ganun yung dating nila parang mga super villains,” dagdag ni Ortega.
Ulat ni Ansherina Baes