Iginiit ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Huwebes, Pebrero 20, na kung ang interest umano ng House Tri Committee ay bigyang solusyon ang fake news, dapat imbitahan nito umano ang “lahat-lahat” maging ang umano’y vloggers na pabor sa administrasyon.

“Kung interesado talaga sila na bibigyan ng solusyon yung sinasabi nilang fake news or what… dapat imbitahan nila lahat-lahat pati na ‘yung mga vloggers na favoring the administration,” saad ni dela Rosa.

Aniya, hindi lang dapat Diehard Duterte Supporters (DDS) ang iniimbestigahan ng Tri Com kundi lahat ng vloggers “para fair” at upang malaman kung ang naturang imbestigasyon ay in aid of legislation.

“Pero kung maka-zero in lang sila sa mga Duterte vloggers, mga DDS vloggers then halatang that would be investigation in aid of persecution of the DDS vloggers,” dagdag ni dela Rosa.

Kaugnay ito sa paglabas ng Tri Com ng subpoena laban sa mga social media personality na tinatawag nilang “pro-Duterte” na hindi dumalo sa nakaraang pagdinig kahit na nakatanggap ang mga ito ng “show cause orders.”

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *