Habang painit nang painit ang pangangampanya ng mga tumatakbo sa pagkasenador sa May 12 elections, iba’t ibang isyu ang tinatalakay ng mga kandidato na bahagi ng kanilang plataporma de gobyerno sakaling sila ay palaring maihalal sa puwesto.

Kabilang sa mga “hot issue” sa media ngayon ay ang sunud-sunod na insidente ng diumano’y pambu-bully ng Chinese forces sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na ayon sa iba’t ibang grupo, ay nagiging “garapalan” na.

Kamakailan, dinikitan din ng isang chopper ng People’s Liberation Army (PLA) Navy ang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bisinidad ng Ayungin Shoal na kinondena hindi lamang ng administrasyong Marcos ngunit maging ng US government dahil itinuring nila itong “dangerous maneuvers.”

Sa mga nakaraang campaign sorties ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, walang tigil na binakbakan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga pambato ng administrasyon sa senatorial derby ang panggigipit na ito ng China sa mga barko ng Pilipinas.

Samantala, hinihintay pa rin ng mamamayan ang komento ng PDP Laban senatorial lineup, na ineendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na binansagan ng Alyansa bilang “Team China,” sa isyu.

Your comment, please?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *