Ipinagbunyi ng Malacañang ang pagkakatanggal ng Pilipinas mula sa greylist ng Financial Action Task Force (FATF) na nagpapakita na ang pamahalaan ay determinadong sugpuin ang money laundering at terrorist financing activities sa bansa.

Sinabi ng Malacañang nitong Sabado, Pebrero 22, na malaki ang ginampanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mabura ang Pilipinas mula sa FATF greylist.

Noong Hulyo 2023, inilabas ni Marcos ang Executive Order No. 33 na nagsilbing roadmap para sugpuin ang money laundering at terrorist financing sa bansa na naaayon sa panuntunan na itinakda ng FATF.

“Countries in the FATF greylist are placed under increased monitoring. This is a burdensome process for banks and other financial institutions. This process discourages correspondent banking relationships and international financial flows into the country,” sabi ng Malacañang.

Samantala, ang pag-aalis ng Pilipinas sa FATF greylist ay magbibigay daan sa mas mabilis at mas matipid na cross-border transactions, pagbabawas ng compliance barriers, at magpapalakas sa financial transparency.

“These will support business, strengthen the country’s position as an attractive destination for foreign direct investment (FDI), and benefit Filipinos, particularly overseas Filipino workers (OFWs),” anang Palasyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *