Sa ginanap na press conference sa Malacañang ngayong Biyernes, Pebrero 21, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ipinag-utos na niya sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng “100% cashless transactions” sa mga tollway sa bansa na dapat magiging epektibo sa Marso 5, 2025.

“Para sa akin, ang personal kong pananaw and I already communicated this already to TRB. Having a cashless system is not pro-poor…it is anti-poor,” sabi ni Dizon.

“I want to first work with the toll operators – MPTC and San Miguel (Corporation) and tingnan muna natin ang sistema,” pahayag ni Dizon.

Ito ang unang marching orders na inisyu ni Dizon ilang oras matapos siyang manumpa sa tungkulin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kalihim ng DOTr.

“Is there a way to make it more efficient. ‘Yun barriers ba gumagana? Lahat ba ng RFID (stickers) nababasa?,” tanong ng kalihim.

“Kasi kayo kaya n’yong mag-load ng P1,000; P3,000; P5,000. Pero paano ‘yung mga kababayan natin na sagad-sagad sa budget? ‘Di sila makaka-load,” aniya.

Unang inanunsiyo ng TRB ang pagpapatupad ng “100% cashless transactions” sa mga tollway sa bansa makaraan ang ilang buwang pagpapatupad ng contactless transaction program ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at SMC Tollways Corp.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *