Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maaari nang simulan ng Senado ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa Marso ng kasalukuyang taon.
“Sana March. March na. Prepared naman si SP (Chiz Escudero) na. Pina-review na niya ang rules. Madali naman ‘yun. Kapag the court is now in session, mag o-oath kami,” sabi ni Pimentel.
Sinabi Pimentel sa Kapihan sa Senado media forum ngayong Huwebes, Pebrero 20, na kumpiyansa siya na na-review na rin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang rules of impeachment bilang paghahanda sa pag-usad ng proseso.
Ito ay sa kabila ng pagmamatigas ni Escudero na idaos ang impeachment sa pagsisimula ng 20th Congress sa Hulyo ng kasalukuyang taon dahil abala na ang mga senador sa pangangampanya para sa May 12 midterm elections.
“When I use the word trial — medyo generic ang paggamit ko ng trial – ibig sabihin, the entire process. Hindi pa siguro mauupo ‘yung witness sa witness stand. Basta umpisahan na ang trial in the sense na pasagutin muna ang impeachment official. Ipa-respond ang prosecutors,” paliwanag ni Pimentel.