Pinayuhan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel ang mga Senador sa Kapihan sa Senado ngayong Huwebes, Pebrero 20, na “priority” ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

“Isantabi ang kampanya, priority ang impeachment,” payo ni Pimentel sa mga Senador na mas inuuna pa ang pangangampanya kaysa impeachment.

“That’s part of the job description,” giit niya nang sabihin niyang isantabi na lamang muna ang pangangampanya ng mga reelectionists.

Ikinuwento din ni Pimentel na nasa abroad siya noong nagdeklara ng martial law si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at bumalik siya agad sa Pilipinas kahit limang oras pa lamang itong nasa ibang bansa dahil kasama ito umano sa kanyang job description.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *