Naglabas ang House joint panel ng subpoena sa mga content creator na hindi dumalo sa House hearing kabilang sina SMNI TV hosts Eric Celiz at Lorraine Badoy-Partosa dahil hindi ito tumugon sa show cause order na inihain sa kanila noong nakaraang hearing.

Ayon kay Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano sa joint committee hearing nitong Martes, Pebrero 18, tungkol sa imbestigasyon ng Tri Committee laban sa mga vlogger na nagpapalaganap ng umano’y “fake news,” halos lahat umano ng mga excuse letter ng mga content creator na hinainan ng show cause order noong nakaraang joint committee hearing ay pare-parehas lamang.

Ipinaliwanag naman niya na “we never cited them in contempt” at sinunod umano ng Kamara ang “due process” pagdating sa pagpapataw ng contempt.

Kabilang dito sina Sonshine Media Network International (SMNI) TV hosts Eric Celiz at Lorraine Badoy-Partosa.

Bukod dito, hindi rin dumalo sina Krizette Laureta Chu, Ethel Pineda Garcia, Elizabeth Joie Cruz, Manuel Mata Jr., Richard Tesoro Mata, Aeron Pena, Suzanne Batalla, Trixie Cruz-Angeles, Allan Troy “Sass” Rogando Sasot, Mary Jean Quiambao Reyes, at iba pa.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *