Dinepensahan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang binitawan nitong “banta,” sa ginanap na proclamation rally ng kanyang political party na PDP-Laban sa San Juan noong Huwebes, Pebrero 13.
“Hanggang ngayon… ‘di pa niyo kilala si (dating) Pangulong Duterte, no? Hanggang ngayon ganoon pa rin? Ganoong statement, bigyan niyo ng weight? Klaro naman ‘yun na biro,” saad ni dela Rosa.
Ayon kay dela Rosa, “biro” lamang ito ng dating Pangulo at tila hindi makapaniwala na “hanggang ngayon” ay hindi pa rin umano kilala ng publiko ang dating Pangulo.
Samantala, pinuna ng ilang kongresista ang “banta” ni dating Pangulong Duterte dahil hindi ito umano “Filipino behavior.”
Ulat ni Ansherina Baes