Tuloy ang paggisa ng House Quinta Committee ngayong Martes, Enero 28, sa mga rice importers upang madetermina ang kanilang kaugnayan sa diumano’y price manipulation ng bigas dahil nananatiling mataas ang presyo nito sa kabila na ang landed cost ay nasa P36 kada kilo.

“Let’s just not dismiss hastily the possibility na merong cartel, may collusion, may magic na nangyayari sa presyo ng bigas at may pagsasabwatan na ang pwedeng involved diyan ay ang mga importers,” sabi ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Nanawagan ang mga kongresista ng mas malalim na imbestigasyon sa posibleng kutsabahan ng mga rice importer upang manatiling mataas ang presyo ng bigas sa bansa.

Kinuwestiyon ni Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang hirit ng mga importer na hindi sila ang dapat sisihin sa mataas na presyo ng bigas.

“Let’s just not dismiss hastily the possibility na merong cartel, may collusion, may magic na nangyayari sa presyo ng bigas at may pagsasabwatan na ang pwedeng involved diyan ay ang mga importers,” sabi ni Quimbo.

“Kung P36 ang landed cost ng importers, bakit hindi natin nakikita ang P36 rice in the market? That’s the mystery. Something is happening,” giit niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *