Inaprubahan ng Senado nitong Lunes, Enero 27, sa third at final reading, ang panukalang nagkakaloob ng Filipino citizenship sa Chinese na si Li Duan Wang, na hinihinalang may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.

Sa plenary session ng Senado nitong Lunes, Enero 27, inaprubahan ang nasabing panukala sa 19 affirmative votes, isang kontra, at walang zero abstention.

Tanging si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang bumoto laban sa pagpapasa sa panukala, binigyang-diin na hindi umano kaya ng kanyang konsensiya na bumoto pabor sa pagiging Pilipino ni Wang.

Matatandaang una nang umapela si Hontiveros sa mga kapwa niya senador na huwag aprubahan ang panukala dahil si Wang ay “junket operator” umano ng Nine Dynasty Casino, isa sa mga pangunahing karakter sa POGO issue sa Pilipinas na nabunyag sa mga pagdinig na isinagawa ng kanyang komite noong nakaraang taon.

Ayon kay Hontiveros, hindi sinabi ni Wang sa application naturalization nito na isa itong junket operator ng Nine Dynasty, may iba’t ibang taxpayer identification number (TIN), at konektado umano sa Philippine Jinjiang Yu Shi Association, na iniuugnay naman sa Communist Party of China.

“Have we not learned anything from Guo Hua Ping, also known as Alice Guo, or Yang Jianxin, otherwise called Tony Yang? Have we not learned our lesson when we were fooled by foreigners who pretended to be Filipino in order to taint our system?” tanong ni Hontiveros sa mga kapwa senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *