Sa ulat ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, nasa 80 porsyento ng tinatayang 400 Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs na kanilang minomonitor sa Visayas at Mindanao ang tumigil na sa operasyon.

Binabantayan ng mga awtoridad ang posibleng paglilipat ng operasyon ng mga POGO hub sa Visayas at Mindanao, ayon sa PAOCC.

“Mayroon po tayong monitoring na ginagawa, ‘yun nga nakatutok din tayo sa Visayas kasi may mga report tayo na natatanggap na naglipatan…” sabi ni Cruz.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Nobyembre 5, 2024, ang isang executive order na nagbabawal sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.

Ayon sa Executive Order No. 74, ang pagbabawal sa mga POGO at internet gaming licenses ay sumasaklaw sa mga ilegal na offshore gaming operations, aplikasyon ng lisensya, renewal ng lisensya, at pagtigil ng operasyon.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *