Sinabi ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ngayong Lunes, Nobyembre 4, na wala nang impluwensya sa kanya si dating Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa imbestigasyon ng Senado sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.

“I’m no longer his supporter now…so we have our political differences. We do not communicate. Hindi na kami close. And he has absolutely zero influence over me especially on the way I think,” ayon kay Pimentel.

Pinamumunuan ni Pimentel ang Senate Blue Ribbon subcommittee na nag-iimbestiga sa anti-narcotics drive ng dating pangulo. Binatikos ang senador dahil pinahintulutan nitong malayang magsalita si Duterte sa panahon ng pagtatanong, kabilang ang pagbibigay ng side comments at pagmumura.

Sumuporta si Pimentel kay Duterte mula pa noong simula at tumulong sa kanyang kampanya sa pagkapangulo, dahil pareho silang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Nagkaroon sila ng hidwaan dahil sa internal party dispute na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema.

“When I write the committee report, our past relationship, our past friendship, our past dealings will have zero influence over me. Even our present disputes will also not affect my way of thinking, I will follow the evidence,” saad pa ni Pimentel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *