Ipagpapatuloy ng House quad committee ang mga pagdinig, lalo na sa isyu ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGO), illegal drugs, money laundering at extrajudicial killings ng nakaraang Duterte administration, kahit naka-recess ang Kamara de Representantes.
“Yes in fact we will continue on kahit break sapagkat nakita po namin iyung involvement ng isang sindikato at nakita rin po natin na napakalaki ng involvement ng ilang mga heneral dito. Unless otherwise mabuwag natin at makita natin sa loob ng Philippine National Police (PNP) ang mga heneral na involve sa drugs, hindi mawawala ang drug problem sa Pilipinas,” sabi ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante.
“Ang next hearing will be this week, ang pag-uusapan naman EJK. Maganda ito sapagkat ito ‘yung binabanggit ninyo tungkol kay Jed Mabilog, eh we are going to invite him again,” ayon kay Abante .
Nakapagsagawa na ng anim na marathon hearing ang quad comm at balik nitong tapusin ang pagdinig bago ang itinakdang filing of certificate of candidacy ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre.
“Palagay ko mahaba-haba pa we would like to finish that kasi malapit na ang filing [ng certificates of candidacy] di ba? You know ‘pag nag-file ka parang campaign period na ‘yan so talagang sabi ko nga e we have to be in our owm district para mag barangay na kami pero still we really have to finish this job,” ayon sa kongresista.
“At tatapusin po natin itong trabahong ito sapagkat ito po ay para sa ating bayan at malaman po nila ang mga nagyayari. We do not want this to happen anymore kawawa po ang Pilipinas,” dagdag niya.