Makakasama sa detention cell ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang isa sa mga kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Handa na ‘yung paglalagyan niya, na-check na din ‘yung mga possibly niyang makasama at chineck na din ‘yung profiles sa ating risk assessment,” ayon kay BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera.

Sinabi ni BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera nitong Linggo, Setyembre 22, na inaasahang ililipat si Guo mula sa PNP custodial facility sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory ngayong Lunes, Setyembre 23.

“Nagdagdag na din tayo ng karagdagang tao, security personnel. Pati preparations kung may a-attend-an siyang hearings sa mga susunod na araw, naka-standby lang naman kami,” dagdag pa ni Bustinera.

“Kasi merong tatlong dinala [Quiboloy’s co-accused) two weeks ago. Pinaghiwa-hiwalay sila since tatlo lang din ang selda, may kasama siyang [Guo] isa. Walang any special preparation para sa space niya kasi lagi namin sinasabi na sumusunod lang kami sa korte at kung anong itsura nun, ‘yun na ‘yun, wala kaming magagawa,” dagdag ni Bustinera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *