Binigyang-linaw ni President Ferdinand Marcos Jr. na “personal” ang dahilan ng pagdalaw ng magkapatid na Joshua at Bimby Aquino, mga anak ng dating TV host-actress na si Kris Aquino, sa kayang misis na si First Lady Liza Marcos kamakailan.
“What the reports did not say is that (First Lady) Liza (Marcos) is their aunt, dahil ang kanyang auntie, ang napangasawa ay si Don Pepe—the eldest brother of Cory. So, they are related… kilalang-kilala niya ang mga pamangkin niya (Josh at Bimby Aquino),” paliwanag ni PBBM.
Iyon ay dahil pamangkin ng First Lady ang mga anak ni Kris, ayon kay Marcos.
“The reason na pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang. Nangailangan si… I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something,” bungad-paliwanag ng Pangulo, sinabing ang tulong na hiningi ni Kris ay may kaugnayan sa pagbibiyahe ng magkakapatid mula sa Amerika pauwi ng Pilipinas.
“What the reports did not say is that Liza is their aunt, dahil ang kanyang auntie ang napangasawa ay si Don Pepe—the eldest brother of Cory. So, they are related. Kaya naman hindi nakakapagtaka, kilalang-kilala niya ang mga pamangkin niya,” dagdag ng Presidente.
Ang tinutukoy ni Marcos ay ang dating kongresistang si Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr., nakatatandang kapatid ng dating pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino, na ina ni Kris at lola nina Josh at Bimby.
Ayon sa Pangulo, dumalaw ang magkapatid sa Unang Ginang para magdala ng pasalubong mula sa Amerika.
“They came, nagbiyahe sila, bumalik, may dalang pasalubong. Dinala nila ‘yung pasalubong,” nangingiting sabi ng Presidente. “Sabi nila magpapasalamat sila. For me it was a very fine gesture.”
Ulat ni Sha Soriano