Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng sapat na supply ng kuryente ang Luzon Grid ngayong linggo matapos makaranas ng rotational brownout ang ilang lugar noong weekend.
Sa ulat sa Unang Balita ngayong Martes, Hunyo 4, binanggit ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan na babalik sa full capacity ngayong linggo ang Pagbilao Unit 2 at Quezon Power Plant.
Sa kasalukuyan, 16 na power plant sa Luzon ang hindi gumagana habang anim naman ang tumatakbo sa derated capacity.
Nasa dalawang milyong customer ng Meralco ang naapektuhan ng rotational brownout sa National Capital Region gayundin sa ilang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon nitong weekend.