Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang tatlong panukala na naglalayong palawaking ang saklaw ng social pension program ng gobyerno hindi lamang para sa mga senior citizen, ngunit maging para sa mga maralita.
“The 20 percent discount for senior citizens or PWDs applied on certain goods and services, the input tax attributable to the VAT-exempt sale to seniors and PWDs and the special discount on basic necessities and prime commodities shall be treated as part of deductible expense pursuant to Section 34 of the National Internal Revenue Code of 1997,” nakasaad sa House Bill No. 10423.
Kabilang sa mga inaprubahan ng Mababang Kapulungan ay ang House Bill (HB) No. 10423 o Universal Pension for Seniors, HB 10312 o Enhanced Discounts, at HB 10313 para sa karagdagang mga serbisyo sa eGov PH Super App platform.
Umani ng 232-0 affirmative votes ang HB 10423 habang ang HB 10312 at 10313 ay nakakuha ng 235-0 votes.
Nakasaad sa panukala na ang mga “non-indigent seniors” ay makatatanggap ng P500 monthly stipend kapag naisabatas na ang mga naturang panukala.