Inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 1001 na humihiling sa kanyang mga kabaro na imbestigahan ang naglipanang fake Philippine passport na bumagsak sa kamay ng mga dayunan na ayaw nang umalis ng Pilipinas.
“Naghain na ako ng resolusyon para maimbestigahan itong mga ulat na ito, matapos nagkaroon ng mga recent reports ng paglobo ng Chinese nationals sa Cagayan,” sabi ni Hontiveros.
Ito ang naging hakbang ni Hontiveros base sa news reports hinggil sa biglang pagdami ng mga foreign nationals, na diumano’y nakapasok sa bansa gamit ang pekeng Philippine passport at iba pang government documents.
Ang karamihan ng mga foreign nationals diumano ay mga Chinese nationals na nag-enroll sa mga unibersidad sa Cagayan province kung saan malapit ang EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites na pinupuntahan ng mga Amerikanong sundalo, ayon pa sa mga ulat.
“According to informal reports from law enforcement agents, the use of these falsified or unlawfully obtained documents has perhaps led to large numbers of foreign nationals concentrating in certain strategic areas of the country, the national security implications of which are currently being investigated by our defense establishment,” nakasaad sa resolusyon.
“Nobody should treat our national identity like goods to buy or sell,” giit ni Hontiveros sa kanyang post.