Excited umano ang mga investor na nakabase sa Estados Unidos sa isinusulong na pagtanggal ng limitasyon sa pamumuhunan ng dayuhan na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas.
“In fact, they are very much excited about the restrictions that will be removed to allow more foreign direct investments coming in. And this was again echoed by the President in his recent trip to Germany and the Czech Republic where another $4 billion of pledges in investment to our country was also secured,” sabi ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David ‘Jay-jay’ Suarez.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez sa isang press conference noong Lunes, Marso 18
“Looking at what happened last week where a US delegation visited, very positive po iyong outlook ng international business community on the proposed amendments to our Constitution,” sabi ni Suarez.
Ngayong linggo ay idaraos naman sa bansa ang World Economic Forum na isa umanong malaking aktibidad para sa mga mamumuhunan.
“So, this sends a clear signal to the world and to the economic industry players that the Philippines is open for more direct investments,” sabi nito.
Ayon kay Suarez mahalaga na magkasundo ang Kamara at Senado kung ano ang gagawin sa panukalang amiyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.