Sa pagdinig sa Senado ngayong Martes, Marso 5, inihayag ni Renita Fernandez, isang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na ngayo’y natatrabaho bilang domestic helper sa Singapore, na ginagamit ng grupo ni Apollo Quiboloy ang kanilang miyembro na overseas Filipino workers (OFW) para maipadala ang malaking halaga ng pera sa Davao City.
“Kung sino po ‘yun trusted nil ana person na matagal na nilang member, ‘yun po ang nilalapitan nila, makikisuyo na mag-send ng money thru remittance,” sabi ni Fernandez, dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.
“Ang pagkakaalam ko po dito, nasa 2,000 Singapore dollars ang limit per person in a day, ‘yan po ang pagkakalaam ko. But there’s more ways to send money.” sabi ni Renita sa Senate hearing na pinangungunahan ni Sen. Risa Hontiveros.
Inuungkat ng senadora ang posibleng pagkakasangkot sa money laundering activities na nakalap sa mga donasyon ng mga miyembro ng KJC at iba pang fund raising operations.
“There are also incidents during COVID , ‘yun ginagamit nila yun worker’s permit ng mga members dito to (obtain a) loan money from certain loan companies,” dagdag ni Renita.