Habang binabraso pa ng mga residente ang matinding epekto ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa, sinabayan naman ito ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ng ilang oil companies sa bansa na magiging epektibo bukas, ika-1 ng Agosto.
Sa magkakahiwalay na advisory, inanunsiyo ng malalaking oil companies ang dagdag presyo sa gasolina ng P2.10 kada litro, diesel ng P3.50 kada litro, at kerosene ng P3.25 kada litro.
Ito na ang ikaapat na linggo kung saan nagtaas ng presyo sa diesel at kerosene at ikatlo sa gasolina.
Magiging epektibo ang panibagong oil price adjustment alas-6 ng umaga bukas para sa mga fuel products ng Pilipinas Shell habang ang Cleanfuel ay magtataas ng fuel prices pagsapit ng 4:01 ng madaling araw.