Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo, Pebrero 25, sa mga driver ng public utility vehicles (PUV) na kinaugalian na ang paglabag sa batas trapiko, na nagsasabing dapat gawing moderno ang driving etiquette sa Pilipinas kasabay ng pagtulak ng gobyerno na i-upgrade ang traditional jeepneys.
“Higit pa sa pagbabago at pagmoderno ng mga pampublikong sasakyan, kailangan na rin nating iwanan ang lumang pag uugali sa kalye. Dapat moderno na din ang bagong Pilipino ay disiplinado sa pagmamaneho, nagbibigayan, may konsiderasyon sa kapwa, sumusunod sa batas trapiko. Yan ang mga kailangan nating imodernize din,” ayon kay Marcos.
“Tama na yung mga madamot sa daan, mga nagbaba ng pasahero sa gitna ng daan, mga hindi ginagalang ang bike lane, hindi pinapadaan ang mga ambulansya, magpapark sa tabi ng daan na naging obstruction sa daloy ng traffic,” sabi pa ni Marcos.
“Bagong Pilipinas na po tayo. Disiplina ang dapat pairalin,” dagdag pa ni Marcos.