Inaapura na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpapatupad ng P500 na discount para sa mga senior citizens at mga person with disability (PWDs) sa mga grocery store at supermarkets.
“Kaya itong gawin agad kahit next month dahil isang me¬morandum circular lang naman ng Department of Trade and Industry o DTI ang kailangan para ibaba sa lahat ng grocery stores at supermarkets,” ayon kay Romualdez.
Ito ay matapos na ihain ni House Ways and Means Committee Chairman at Bicol Rep. Joey Salceda ang panukalang gawing P125 kada linggo o P500 kada buwan ang discount para sa mga sektor na ito.
Sa kasalukuyan, ang discount para sa mga seniors at PWDs ay nasa P65 kada linggo lamang o P260 sa isang buwan para sa kanilang mga binibili sa grocery.
“Aside sa P125 discount, pinatitingnan ko na rin kay Cong. Salceda kung ano pa ang pwedeng maibibigay na tulong sa mga seniors at PWDs natin na kaka¬rampot lang naman ang pensyon ng karamihan” sabi pa ni Romualdez.
“Its high time siguro na balikan natin ang batas na ito na 2010 pa naipasa kaya medyo obsolete na rin ang ilang probisyon nito at hindi na angkop sa mga panahon ngayon,” dagdag pa ni Romualdez.