Ipinakita ng actress-host na si Mariel Padilla sa isang deleted Instagram post noong Huwebes, Pebrero 23 ang picture niya na nakaupo sa Senate Office kasama ang kanyang asawa na si Sen. Robin Padilla sa likod habang siya ay nagpapa gluta drip.
“Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment with dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more! So convenient and really effective, magaling talaga,” sabi ng actress-host na si Mariel Padilla.
Samantala, inulan ng batikos si Mariel pagkatpos maipost ang Instagram photo and reel, sinabi ng mga netizens ang kanilang pagkadismiya sa actress dahil ito umano ay isang ‘shameless act’ dahil hindi niya nirerespeto ang Senate office.
Nagbabala naman ang Food and Drug Administration (FDA) na wala pang FDA-approved na injectable glutathione para sa pagpapaputi.
Ayon sa ahensiya, puwede magdulot ang mga ito ng sakit sa balat, infections katulad ng HIV, toxic effects sa liver, kidneys, at nervous system.
Ulat ni Erika May Lagat /Intern