Naglabas ang Netflix ng isang advertisement kung saan tampok ang actress-comedian na si Melai Cantiveros para sa ipapalabas na live-adaptation na mapapanood sa naturang content platform ngayon, Huwebes, Pebrero 22.

Nagsimula ang video na ipinakita si Melai bilang isang flight attendant habang sinasabi: “ATLA 222, is bound fo the Philippines.”

Ibinida din ang sikat na tourist destinations sa Pilipinas, ang Coron, Palawan, Chocolate Hills sa Bohol, Mayon Volcano sa Albay, at ang Bangui Windmills sa Ilocos Norte.

Gaganap na ‘Aang’ sa live-action adaptation ng isang classic film “Avatar: The Last Airbender,” ang Fil-Canadian actor na si Gordon Cormier.

Ito ay base sa animated series na ipinalabas sa Nickelodeon noong 2005 hanggang 2008.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern