Naglabas ng sama ng loob si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa pasaring ni Sen. Pia Cayetano sa Philippine delegation na pinangunahan ng kongresista sa World Health Organization (WHO) Framework Convention on Tabacco Control (FCTC) Conference of Parties-10 na ginanap sa Panama City.
“Ganito na ba ang pagtrato ng isang senadora sa atin? Wala na ba ‘yun ating pinakaiingatang ‘interparliamentary courtesy?” tanong ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta.
“The good senator called the Philippine delegation as ‘peddlers’ of the tabacco interest,” ani Marcoleta sa kanyang privilege speech nitong Lunes, Pebrero 19.
“She also said that the Philippine delegation was a mere ‘mouthpiece’ of the tabacco industry,” dagdag niya.
“At ang medyo masakit pa, Mr. Speaker, sinabi po niya na kami po lahat ay nagtungo doon para manggulo lamang,” banat ni Marcoleta kay Cayetano.
Iginiit ng party-list congressman na dumalo sila sa WHO FCTC COP-10 meeting upang ipagtanggol ang karapatan ng Pinoy tabacco farmers sa global stage kaugnay sa dalawang ipinasang batas ng Kamara – Republic Act 9211 at RA 11900.
“Mr. Speaker, malayo po na kami ang nanggulo o manggugulo sa FCTC,” pahayag ni Marcoleta.