Sa pamamagitan ng Zoom conference na ginanap sa pagdinig ng Senado ngayong Lunes, Pebrero 19, sa mga umano’y pangaabuso ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa mga kababaihan, ibinahagi ni alyas “Iona,” na umano’y taga-Ukraine, kung paano siya at iba pang biktima minolestiya ng religious sect leader.

“It’s a secret ministry that even though we knew about it altogether, girls were not allowed to talk about it. We are not allowed whose day it is (to have sex with Quiboloy),” sabi ng Ukrainian na kinilala bilang alyas “Iona.”

Aniya, una siyang “natikman” ni Quiboloy noong ika-18 kaarawan at isang “Ate Pani” ang nagbugaw sa kanya sa KOJC leader upang makipag sex. “She told me to have sex with the Pastor. She told me that straight,” ani Iona.

Sinabi rin ng Ukrainian na ilang ulit siya pinagsamantalahan ni Quiboloy kasama ang ibang kababaihan na may kanya-kanyang schedule mula Lunes hanggang Linggo para makipagtalik.

Ito ay paulit na nangyari hanggang nagsawa na diumano si Quiboloy sa kanya at iba na ang kanyang pinupuntirya para makipag-sex. “He will call one and then another one,” ani Iona.