Para kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, hindi na dapat pinatulan pa ni President Ferdinand Marcos Jr. ang drug allegations ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa Punong Ehekutibo: “I would have ignored.”
“BBM responded as he did. I would have ignored,” sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile nang makapanayam siya ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez kamakailan.
Tinukoy ni Enrile ang reaksiyon ni President Ferdinand Marcos Jr. na nasobrahan na raw marahil sa paggamit ng Fentanyl si dating pangulong Rodrigo Duterte nang akusahan siya nitong gumagamit ng ilegal na droga at tawaging “bangag.”
Sa panahon ng administrasyong Duterte, lantarang sinuportahan ni Enrile ang foreign policy ni Duterte, partikular sa pakikitungo sa China.
Sasapit na si Enrile sa edad na 100 sa Pebrero 14.