Pinuna ni Sen. Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kanyang pagtanggi na dumalo sa pagdinig sa Senado, na itinuring nito bilang “pambabastos” sa Mataas na Kapulungan bilang institusyon.
Noong Enero 23, nagsimula ang imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa mga akusasyon na human trafficking, panggagahasa, at iba pang pang-aabuso laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa religious group nito na Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
“The refusal of Quiboloy to appear at the hearing is a blatant disrespect to the entire institution of the Senate,” saad ni Hontiveros.
Binigyang-diin din niya na ang patuloy na pagsisiyasat ay hindi isang anyo ng pang-aapi sa relihiyon.
Ulat ni Floridel Plano