Ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay nakatakdang magtaas ng fare rate nito simula sa 2024, kung saan sinabi ng gobyerno na kailangan ang hakbang upang matustusan ang mga gastos na kinakailangan para sa maintenance at operation nito.
“Tinatapat lang po natin ‘yung pangangailangan ng maintenance, ‘yung pangangailangan ng operations, doon po sa pamasaheng ibinabayad ng ating mga pasahero,” pahayag ni Timothy John Batan, Department of Transportation (DOT) Undersecretary for Planning and Project Development
Kapag naipatupad na, ang minimum na pamasahe ng MRT3 ay tataas mula sa kasalukuyang P13 hanggang P16, habang ang end-to-end na biyahe mula North Avenue hanggang Taft Avenue station ay tataas mula P28 hanggang P34.
Nauna nang sinabi ng MRT3 “it had been struggling financially, claiming fare revenues have not been enough to compensate for the investment in building the facility, maintenance, and operations of the line.”