“Tinitingnan po namin ang anggulo na ito dahil dun sa mga sunud-sunod na operations natin against the terrorist groups in the whole area of Western Mindanao, dito sa Maguindanao, sa Lanao and sa Basilan. Maaaring retaliatory attack yun nangyari kaninang umaga,” ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner.
Sinabi ni Gen. Romeo Brawner, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ilang mga terorista ang napatay at nahuli sa sunud-sunod na operasyon ng militar na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 1, sa Western Mindanao.
Kabilang sa mga napatay sa inilunsad na operasyon ay si Abdullah Safal, lider ng Daula Islamiyah group, at 11 tauhan nito sa engkuwentro sa Maguindanao.
Kahapon, napatay din ng mga tauhan ng Joint Task Force Orion si Abu Sayyaf leader Sawajan, alyas “Muddi,” at ito ay sinundan ng neutralization ni Maute terrorist group sub-leader Jalandoni Macadaya, alyas “Lando” at ilang tauhan nito kaninang umaga, halos kasabay ng naganap na pambobomba sa Mindanao State University.