Umapela and liderato ng Commission on Elections (Comelec) media na huwag muna silang puntiryahin hinggil sa kanilang desisyon na diskuwalipikahin ang Smartmatic sa procurement bidding para sa 2024 automated elections.
“’Wag na nating tanungin ang laman ng aming desisyon sapagkat kung ano ang sasabihin ng Comelec sa kasalukuyan ay magagamit laban sa amin kapag ito ay nadala na sa mataas na korte,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
“Tutal naman kung ano ang tatanungin n’yo, ‘yun din ang nakalagay sa desisyon,” giit ni Garcia.
Iginiit ng opisyal na isang collective desisyon ng Comelec ang pagiisyu ng disqualification order laban sa Smartmatic at handa silang panindigan ito.
Ito ay matapos pumalag ang Smartmatic sa disqualification order na, ayon sa Comelec, ay nag-ugat sa plunder case na inihain laban kay dating chairman Andres Bautista sa Estados Unidos na may kinalaman umano sa dayaan sa mga nakaraang halalan.