Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga itinitindang substandard na Christmas lights at iba pang dekorasyon na maaaring pagmulan ng sunog.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na may tauhan na ang DTI na nag-iikot sa iba’t ibang pamilihan sa bansa para inspeksyunin ang kalidad ng mga Christmas lights at dekorasyong may koneksyon sa kuryente.
Kapag napansin ang mga paglabag, kinukumpiska ng DTI ang mga substandard na Christmas lights at binibigyan ng notice of violation ang mga may-ari ng tindahan.
Ayon pa kay Secretary Pascual, ang paggamit ng substandard na pailaw ay isa sa mga sanhi ng sunog.