Tatlong Pinoy crewmen ang sugatan matapos tamaan ang kanilang sinasakyang cargo ship ng missile na pinakawalan umano ng Russian forces sa Black Sea, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.
Sinabi ni de Vega na nagpapagaling na sa tinamong minor injuries ang tatlong Pinoy crewmen at nasa stable condition na ang mga ito.
Ayon sa ulat ng CNN na ibinase sa report ng Operational Command South ng Ukraine, tinamaan ng missile ang cargo ship habang ito ay naglalayag patungo sa pantalan ng Odessa region kung saan nasawi ang kapitan ng barko at apar na iba pa.
Sinabi ni Oleksandr Kubrakov, infrastructure minister ng Ukraine, sa kanyang Facebook account na may kargang iron ore ang naturang barko na dadalhin dapat sa China.