Iginiit ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro na “rules- based” ang lahat ng operasyon ng Pilipinas sa mga teritoryo nito, kabilang ang West Philippine Sea (WPS).
Paliwanag ni Teodoro ang ano mang pagkilos sa maritime territories ay paggigiit lamang ng karapatan ng gobyerno alinsunod sa United Nations (UN) Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“We are merely asserting our rights which the UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and relevant Philippine laws secure to us and these operations are done within areas where the Philippine government has every right to operate,” pahayag ni Teodoro.
Paglilinaw pa ng kalihim, hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas sa paggamit nito ng karapatan partikular na sa pagsasagawa ng resupply mission at pagpapatrulya sa WPS.
Malinaw aniyang ang operasyon ng bansa sa WPS ay naayon sa batas kaya naman hindi lamang ang United States kundi iba pang bansa ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas.
“And that is simply what we are doing and in such a case not only the United States but other governments have chimed in the chorus in support of the Philippine government, the reason is simple that the Philippine government’s operations are based on rules-based international order, international law and the UNCLOS so I think that we are asserting the same thing and that is the predicate on which not only the United States but several other countries operate with us in this area,” – dagdag ng kalihim.
Tiniyak din ni Teodoro na hindi patitinag ang Pilipinas at magpapatuloy ang kanilang pagpapatrulya at operasyon sa WPS sa gitna ng pambu-bully ng China.
Ulat ni Baronesa Reyes