Nailigtas ng isang Filipina caregiver ang kanyang sarili at 95-anyos na amo nito na si Nitza Hefetz sa pamamagitan ng pagbigay ng suhol sa teroristang Hamas sa kainitan ng pag-atake noong Oktubre 7.
“I opened my wallet and told him to take everything I had, NIS 1,500 ($370), just to save myself and Nitza,” sabi ng Filipina caregiver na si Camille Jesalva, ng nakapanayam ang Ynet news site. “I showed him the plane ticket and asked him just not to take that.”
Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, isinasara umano ni Camille ang shutters ng bomb shelter nang dumating ang mga armadong Hamas terrorists.
Nakiusap ang Filipina caregiver sa mga terorista na huwag silang barilin at kunin na lang ang lahat ng nasa bahay, kasama ang kanyang natitirang pera.
“It’s a very nice story. A very simple initiative that saved their lives,” saad ni Fluss.”It shows that Filipinas are really very caring. Actually, they have ingenuity and some interesting ideas which saved their lives.”