Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Department of Education (DepEd) na isama ang subject na human rights sa bagong “MATATAG” curriculum.
Sinabi ni CHR Chairman Richard Palpal-latoc na ang DepEd ay nagbigay na ng katiyakan na ang paksa ng Human Rights ay tatalakayin sa Araling Panlipunan, partikular sa ilalim ng aralin sa martial law.
“Dapat isang dedicated subject for human rights kasi napakalawak ng human rights eh hindi makukuha ang konsepto sa isang oras na lecture,” sabi ni Palpal-latoc.
Idinagdag ni Palpa-latoc na ang CHR ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng edukasyon sa usapin.
Isinasapinal na ng DepEd ang revised K-10 curriculum na isasagawa sa susunod na school year.
“Ang sa ‘min, kailangan namin i-emphasize the constitutional mandate that the state should include human rights as part of the education system,” dagdag pa ni Palpal-latoc.