Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kooperatiba upang matiyak ang sapat na supply ng pagkain sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa 2023 National Cooperative Day, sinabi ng Pangulo na isa ang pagtatayo ng mga kooperatiba sa naging prayoridad niya nang siya ay kongresista pa ng Ilocos Norte sa Kamara.
Aniya, natulungan ng kooperatiba na una niyang itinayo para sa mga guro upang matulungan ang mga pangangailangan ng mga ito sa tuwing makararanas ng delay sa kanilang mga sahod. Dagdag pa ng Pangulo, ang isang mahusay na kooperatiba para sa mga magsasaka ay malaking tulong para malakas ang agricultural sector.
“Cooperative movement is very closely related to agriculture, for the simple reason that we need to consolidate our farmers,” aniya.
Nagsisilbi ring boses ng mga magsasaka ang kooperatiba, ayon pa sa Pangulo.
Nauna rito, binigyang-diin din ang Cooperative Development Authority (CDA) ang lakas na maibibigay ng mga kooperatiba sa sektor ng agrikultura, laluna’t humaharap tayo ngayon sa hamon ng climate change na may malaking banta sa produksiyon ng pagkain sa bansa.
“Nevertheless, it is essential to acknowledge the invaluable efforts that the cooperative movement can make in addressing this challenge while simultaneously promoting the production of more nutritious foods and agricultural products. Many cooperatives engaged in agricultural activities, located in rural areas worldwide, have success stories in mitigating the after-effects of climate change,” ayon sa CDA.