Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Jean Lim Napoles, ang tinaguriang “Pork Barrel Queen”, sa kasong plunder subalit napatunayang nagkasala sa 9 counts ng corruption of a government official.
Ayon sa ulat, walang sapat na ebidensiya na naihain ang prosekusyon sa kasong pandarambong laban kina Napoles at dating Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Party-List Rep. Edgar Valdez sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ayon sa anti-graft court, napatunayang nagkasala si Napoles sa 9 counts ng “corruption of a government official” habang guilty naman si Alvarez sa 9 counts ng direct bribery kaugnay ng pagtanggap ng pondo mula sa mga bogus na non-government organizations (NGOs) na nilikha ni Napoles.
Dahil dito, makukulong ang dalawa nang mula dalawang taon at apat na buwan, hanggang anim na taon, at magmumulta ng halagang tig-₱26,996,700.